ok masyadong malungkot ang mga posts ko kahapon
inaamin ko minsan talaga masyadong nagiging emotional ang inyong lingkod
kaya ngayon babawi naman ako at itutuloy ko ang aming adventures ni kapatid na julien
kaya brother poy basa… (sabay tingin sa kaliwa)
teka hindi ito ang dating daan…
sige so lumipat kami ng lugar ni julien nagpunta kami sa may terminal ng FX papuntang paranaque (the land or the rising drugs)
may nakita kaming mobile patrol car kaya pakiramdam namin safe naman kami kahit hindi naman kami mukhang mayaman. at palagay ko kilala ng mga holdaper ang mga kapwa nila magnanakaw (peace ju) hehehe
naupo kami sandali kasi hindi biro ang tumayo ng isang oras.
then out of nowhere may biglang sumulpot na babae pubescent pa yun pero ewan ko baka alien o multo.
ay basta bigla na lang siyang sumulpot sa gilid namin sabay sabi kung pwede daw kaming maabala.
hindi naman siya mukhang nagbebenta ng laman (eh mga 12 na ata nun ng umaga) at wala din naman siyang dalang baril o itak o nailcutter na pwedeng pangtanggal ng ingrown
sa katunayan mukha siyang mabait at matino.
heto ang nangyari:
ju (nakaupo)
poy (nakaupo din)
tahimik
biglang sumulpot yung babae sa gilid namin sabay tanong: “sir pwede ba kayong maabala” (sabay flah ng mga holographic pictures ng mga santo at ni papa jesus yung pocket size)
ju: anak ng! pati ba naman ngayong oras na to….
poy: (natawa) nakakagulat ka ha pano mo ginawa yun?
babae: (tumawa lang)
ju: ah wala… sindikato ka noh?
poy: uy (tumatawa na talaga) ano ba yan miss?
babae: kasi po kailangan ko ng konting pera para sa…
ju: hulaan ko! kalendaryo yan noh tsaka hologram!
poy: oo nga kalendaryo! eh magkano pala yan?
babae: singkwenta lang po sir.
ju: teka nasan ba yung mga kasama mo?
poy: (hahahahahahahahahahaha) ang mahal naman nyan pasensya na miss hindi ako bumibili ng ganyan eh. salamat na lang
babae: ay okey po… (sabay lakad paalis)
lumingon ako sandali sabay nawala nanaman
nakakatakot na talaga ang maynila ngayon dami nang kalahi si batman!
poy: shiiyyyeeeettt! nakita mo yun? asteeeeg noh?
ju: labo! hahahahaha
ayun nag proceed nanaman kami sa ibang lugar this time sa may malapit sa starbucks sa 6750
nakahanap kami ng taxi pero pagsakay namin:
driver: san kayo?
ju: UP village po
driver: baka pwedeng gawin na lang nating 200?
ju: (nanginginig na binuksan ang pinto at bumaba sa bad trip)
yung driver parang natahimik na lang hehehe
ju: tarantado talaga yung mga taxi driver na yan!
poy: bus na lang tayo tol! kaya minsan tama rin na maholdap yang mga hayop na yan eh grrrr
ju: ngeeee gusto mong maholdap?
poy: pero at least gumagalaw tayo tsaka wala namang kukunin satin eh.
ju: ayokong maholdap taxi lang tayo!
poy: ah ok
(another hour)
poy: lipat tayo ayala avenue sure ko meron na dun!
ju: tara
(sa ayala avenue)
poy: uy tingnan mo sa kabilang lane diba kasabay natin yun naghihintay sa sheraton kanina eh diba lasing pa siya kanina ngayon mukhang ok na ha? naghihintay din ng taxi hahahaha
ju: hahahahaha oo nga
(naghintay nanaman ng taxi pero wala parin)
poy: teka… san na yung naghihintay sa kabila?
ju: oo nga noh san na yun?
poy: eh tayo na lang andito ehyoh!
ju: oo nga! hahahahaha