di ko alam kung anong dapat maramdaman
blanko na utak ko
blanko na pakiramdam ko
blanko na dibdib ko
blanko na lahat
sa mga panahong ito parang mas magandang wala na lang
lahat lahat
tutal lahat naman mapupunta sa wala
wala
wala
wala
napaka negative ko ngayon
kahit ata bata ma-uusog sakin sa pagkanegative ko
pero mas mabuti nang negative kaysa sa wala
pero ewan ko kung negative ba ako o talagang wala lang talaga
ewan
basta alam ko wala
wala din akong alam
—————
waaahhhhhh!!!!
pero kagabi may nakasakay akong grupo sabi nung isang babae dun sa isa uy pumara ka na!
mantakin mo ba naman sinabi niya “MANONG TAMA NA!”
tawanan yung buong jeep hehehe sabi nung mga kasama nya bakit ba ano bang ginagawa sayo nung
driver? (tawanan ulit)
ako nakasabit pero tawa din ng tawa
tapos sabi niya “AY BAKA NASOBRAHAN SA RUGBY” sabay tawa hehehehe
take note mga thirty sumthing na yung babae hehehe
minsan talaga si papa jesus humihirit ng malupet usually pag feeling down ka na talaga hehehe
———-
watched Debate last night asteeg siya hehehe
GAGO TALAGA SI GMA
pero mas GAGO yung mga taong walang ginagawa o walang opinion sa mga bagay…
yun lang yung mga taong “Ay ok ganun din naman mangyayari sa bandang huli sila sila pa rin”
GAGO sila kasi hindi nila alam na mga anak nila at ang future ng Pinas yung wala silang pakialam.
pero ewan ko ba…
sabi ng iba ang solusyon eh magtrabaho ka na lang at wag kang makialam.
mukha atang mas malala ata yun???
kada may kumakatok na bata sa taxing sinasakyan ko
kada may bulag na nag gigitara sa overpass o sa kalye
habang may mga batang binubuhat ng nanay na madungis para makakuha ng limos
at habang parami ng parami ang mga sindikatong kumakalat sa pinas
idagdag mo na yung droga at mga illegal recruiters na nag tatake advantage sa mga pinoy na gustong lumabas ng bansa
and again take note mga usual na biktima nila eh galing ng prubinsya!
pero ganun pa rin yung reaction nila??? kesyo pareho lang naman yung mauupo dun eh
sila sila pa rin???
ang generation ko naging sobrang complacent
kung di man tanga eh hindi nagbabasa ng libro o dyaryo!
pls pwede ba magbaa man lang kayo kahit history ng bansa nyo??
kahit yun na lang wag na kayong magbasa ng balita
wag na kayong manood ng TV kung puros negative lang ang sinasabi nito
pero pls magbasa kayo ng libro!!!
naniniwala akong may magagawa pa
pero alam ko hindi ko kaya mag-isa
marami pang katulad ko na naghahanap ng isang organisasyon na talagang walang hidden agenda
minsan nga naisip ko bakit hindi ako magbuo ng isa?
sige magbubuo na lang ako ng isa
matagal ko nang plano kasi pag nag rarally kami sa cebu nuon napaka konti namin
kailangan talagang i-reshuffle ang tactics at taga gawa ng tactics
kailangan ng mga kasing edad ko na naniniwala pa na may chance ang pinas
kailangan ng mga taong hindi lang may ayaw kay GMA kundi may ayaw sa lahat ng pwedeng mangyaring masama sa mga anak namin pagdating ng araw.
naalala ko tuloy nung tumugtog yung banda ko sa cebu sa ROCK-ed sabi nung coordinator bahala na daw si GMA kasi shes the least of our problems
mamamatay na lang siya pero andito parin kami so eventually magbabago din daw ang pinas
pucha nanlaki yung butas ng ilong ko nun at namula ang tenga sa asar!
prof. yun sa ATENEO imagine that??? teacher na gustong maging complacent ang students nya????
sa totoo lang madali akong magpatawad mahirap lang ako makalimot kasi ito yung mga tipo ng bagay na nagigising ako sa gitna ng gabi para magmura mura at maasar kung bakit ba lahat tayo kailangan umasa sa investors!
kung bakit ang gaganda naman ng produkto natin sa pinas eh hindi sinusuportahan ng mga pinoy at walang suporta ng gobyerno!
bakit kinakain tayo ng international market ng buhay at ginagawang imbakan ng mga murang gulay at goods galing china!
at kung bakit ang dami kong magagaling na kaklase at mga fellow batchmates nuon na ngayon eh nagpupunta sa ibang bansa or unemployed parin hanggang ngayon!
ilang matanda na ba ang nakausap ko at sinasabi sakin na mag-arala kong mabuti para maging maganda ang future ko?
eh anong future ba yung pinagsasabi nila?
eh yung iniwan nilang future ko bulok!
nung panahon ni marcos tumahimik sila
nung panahon ni cory tumahimik sila
nung panahon ni FVR tumahimik pa rin sila
anak ng pota hanggang ngayon tatahimik pa rin sila!!!???
ang katangahan nga siguro eh namamana???
pero wait may catch yung statement na yun eh
hindi naman nagagawang maging socially responsible ang isang tao overnight.
so pagbigyan natin ng konti pero pag paulit-ulit na malamang kailangan nang batukan yan.
sa totoo lang kung may kailangang sisihin eh dapat yang mga punyetang matatandang yan na walang alam kundi manisi!
admit it its your generation na may kasalanan kaya nagkaleche-leche ang buhay namin!
pwede bigyan nyo naman kami ng pagkakataong i-prove ang sarili namin at hindi kada may gusto kaming gawing bago eh sasabihan ninyo
“Ay ginawa na namin dati yan hindi gumana…” pucha pano ba naman hindi gagana eh pagkatapos kayo mag-edsa 1 eh tumahimik na kayo?
tapos edsa-2 tumahimik ulit kayo?
kumbaga nagluto kayo ng ulam pero hindi nyo kinumpleto ang rekado tapos iniwan nyo pa hanggang sa mapanis!
mas masama kaya yung mangyayari satin pag wala tayong ginawa???!!!
haaayyy wala na nga ba talagang pag-asa?
ngayon may bagong peoples initiative na sa totoo lang eh governments initiative at ang daming tatanggalin na batas at papalitan ng mga bagay na makakagaganda sa mga nakaupo ngayon
pag-aralan pagnilayan!
haaayyyy
kawawa naman talaga tayo nyan kung magkataon na matuloy yang cha cha na yan…
heniweys have to go home na sakit na ng ulo ko at sakit na ng pwet ko kakaupo grrrr!!!!
pero para sa mga walang pakialam mga pak U kayo lahat kaya nagkakaleche leche ang bansa natin eh wala kayong pakialam!
kaya iiwanan ko na lang kayo nitong malupit na saying ng idol ko
—-
“Be the change you want to see in the world.”
“Fear is not a disease of the body; fear kills the soul.”
-Mahatma Gandhi-