boy 1: tol ba’t ba galit na galit ka kay GMA? mas gusto mo bang nanalo si FPJ na kaalyansa ni Erap at ni MArcos nung martial law?
boy 2: tsong binoto ng taong bayan si FPJ at kahit na anong sabihin natin na nanalo si GMA alam ng lahat na nandaya siya ayaw lang talaga ng mga middle class si FPJ kasi tingin nila bobo at walang alam dahil nga hindi nakatapos ng college.
b1: oo nga! precisely hindi siya nakatapos ng kahit na anong kurso so bakit natin gagawing lider yun?
b2: pare kung yan lang ang problema mo eh di pakuhain mo lahat ng civil service exam lahat ng nakaupo sa pwesto. ang punto ko eh yan ang nakalagay sa saligang batas. binigyan tayo ng pantay pantay na karapatan sa pagrerepresent ng mga tao sa pilipinas at kung palpak ka sa pagpapatakbo mo eh pwede ka nilang hilinging umalis thru impeachment diba?
b1: pero pare dont you think na mas magiging problemado ang pinas nun kung siya ng mananalo? i mean i’d rather cheat than let that guy win over me! this is saving our country from shame and economic downfall!!!!
b2: teka teka teka hindi kaya masyadong O.A. na yun? at ginawa mo lang dahilan si FPJ para mandaya si GMA? lok at it this way pare sa isang demokrasya ang will ng tao ang nasusunod.
b1: eh yun nga ang dapat pero sa bansa natin na ang nagpapaikot eh pera sa eleksyon? hindi kapani paniwala…
b2: kaya nga eh dahil alam mo lang na hindi siya kapani paniwala eh tatapatan mo rin ng kabalastugan?!
b1: di mo ko naiintindihan tol, pls spare me the moral bullshit in this world the strong survive thru use of force and influence kahit saang bansa mo tingnan yun ganun talaga.
b2: true! but only with the support of the majority. and i am not bullshitting you pare you give her a chance to do these things to you and the next thing you know she will creep into ur household. parang akyat bahay yan alam mong nanakawan ka na tinali mo pa rin yung aso at iniwang bukas ang bintana kasi feeling mo hindi aesthetically balanced and itsura ng hse mo pag nakasarado at may nagbabantay.
b1: so sige let me give u an example why GMA is doing a great job as a President granted na nasa pwesto parin siya…
b2: correction! she forced her way into office and she cheated her way into it even. and she used any means of force just to protect her interest…
b1: pero walang alternative eh! kasalanan ba ng taong bayan yun?
b2: so ngayon taong bayan na ang may kasalanan? sila na ang tanga? sila na yung walang kwenta mag-isip? tingnan mo nga kung magkano ang budget natin sa education at ang unemployment rate natin bago mo sisihin ang isang taong gutom at kukuha ng pera pampakain sa mga anak niya na ubod ng dami dahil ayaw ng simbahan ng birth control!
b1: hindi mo parin sinasagot ang tanong ko. sinong alternative natin? para ipalit kay GMA?
b2: madami! kahit ikaw hindi mo naisip? if ang saligang batas ang susundin natin eh di si Noli de castro! palagay ko pa nga mas importante na ipinapatupad ang saligang batas kaysa pinapaboran natin ang tanong ng kung sinong ipapalit kasi ang sunod na tanong dyan eh “sa anong paraan”?
b1: eh di ganun din… si noli pa rin ang uupo kapareha nya bulok at wala naman talagang mapagpipilian kahit sino corrupt…
b2: sa tingin mo bakit sila corrupt?
b1: abay ewan ko! ikaw sa tingin mo bakit sila corrupt?
b2: kasi alam nila makakalusot sila at madadala nila ang lahat sa sorry… and sa totoo lang mahina ang moral backbone ng bansang to… ang simbahan walang idea ng honor and integrity…
b1: teka… bat naman ang simbahan ang may kasalanan?
b2: di ba sila ang moral watchdog ng bansa? lahat halos ng skwela dito eh galing sa simbahan… lahat puros praise the lord pero iba ginagawa…
b1: palagay ko hindi simbahan ang may kasalanan tol…
b2: ano pala?
b1: ang tao. ang sistema. ang pag-iisip. walang disiplina.
b2: pag gutom ang isang tao… hindi siya makapag-isip, hahanap at hahanap siya ng paraan para magkalaman ang tiyan nya… at saan manggagaling yun? kundi sa paligid nya… tinuturuan siya ng paligid nyang maging sakim mapagsamantala… hindi ang tao ang may kasalanan pare kundi ang pinapamulat ng mga tao sa paligid nya dahil pinapabayaan lang nilang maghari ang kasakiman at kasamaan dahil pakiramdam nila lahat naman kasi ng pinoy eh ganun. pag pinabayaan natin na ganito ang sitwasyon ng ating bansa mas madami tayong ginugutom… mas madami tayong ginagawang masama… lahat nga siguro tayo magkakaugnay… sana balang araw maintindihan to ng mga pilipino… tutal hindi pa naman huli ang lahat diba?
b1: aalis na lang ako pare magulo na talaga dito eh walang kwenta mahirap…magtatrabaho na lang ako dun at kukunin ko pamilya ko… para mabigyan sila ng magandang buhay…
b2: ahh… sige bibisita na lang ako sa inyo kung may oras ako…